Ansakit ng ulo ko. Pano ba naman napapadalas na ang paguulan ulan dito sa LB. Ang problema pa eh wala akong payong. Tapos, parehong senario lang naman ang nangyayari gabi gabi --kakain kami ng mga kadorm ko sa labas tas maabutan kami ng ambon. Malamang sa malamang wala ni isa sa mga kasama ko ang magdadala ng payong. Syempre di rin nila ako maasahan na magdala ng payong dahil wala rin naman akong payong. Yun nga eh. wala akong payong at umaasa lang ako sa mga nakakasabay ko papunta sa mga klase ko at buti naman nga may nakakasabay ako o kaya naman may mga mabubuting nilalalang na nagpapahiram sakin ng payong. hehe
eh ayoko na bumili eh. pano ba naman, kakabili ko lang last last week tas Kakawala ko lang rin ng payong na binigay sa akin. so, sayang naman kung bibili lang ako at masisira ulit o kaya mawawala lang. di bale, ilang linggo nalang naman at bakasyon na. hindi ko na rin kakailanganin yun for the mean time. so, maghihintay na lang ako sa kung sino man na makaisip na magregalo sakin ng payong. at kung payong nga ang ireregalo nio sa akin, pwede bang ung matibay tibay? (o di ba demanding?) haha
anyway, kanina lang, pagtapos namin kumain ke aling glo eh nastuck kami sa grove dahil nga wala kaming payong. ayun, hintay kami dun sa kanto ng FO at nagwiwish na sana may anghel na mapapadpad. SPOTTED! May lalaking may malaking payong! woooh GRABE nakakamangha yung payong niya anlaki talga sobra. Ayun, dumaan lang siya di man lang ba niya shinishare ang payong na malaki? HAHA!!! Anyway, hindi lang naman siya ang may payong na ganun kalaki. SPOTTED! meron uling guy na may uber laking payong. this time, nakisilong na kami. haha! buti nalang kapal muks ng isa kong dormate at inapproach niya ung guy, eh nawindang ung guy oo nalang sia eh. haha! di pala kami pareho ng way, nakakahiya hinatid pa niya kami.