Sunday, September 13, 2009Y
Just for the Heck of it all
Ayan. Nabubulok na naman tong blog na ito.
Siguro isa sa dahilan ay napaka apathetic ko daw na tao.
Stoic pa nga, sabi ng isang bagong kaibigan.
Napaka-negatibo naman deskripsyon yun.
Pero sige, sa tingin ko may basehan naman sila. Dahil parang bato ako madalas sa paningin nila. Siguro nga mukhang wala akong pakialam, pero yun lang ang nakikita nila. Pero ang totoo, kahit hindi halata, apektado rin naman ako ng kung anu- anong pangyayaring nagaganap sa buhay ko... at sa buhay niya... at sa buhay nila at sa buhay mo.
Apektado ako ng buhay. Malamang, tao ako eh.
Tao ako. Nasasaktan. Nasisiyahan. Nakakaramdam. Naawa. Nalulungkot. Nadidismaya. Natutwa. Napapagod. Umaasa.
Tao ako. May pride.
Pero hindi rin...
Labels: random stuffs
5:36 PM